Inuman, G?: Konsumerismo at Mapang-abusong Kultural na Naratibo sa Alcohol Ads

2014_rack_shot_bottles_only_low_resNapakaraming brand ng alak sa Pilipinas. Hindi lamang lokal na pangalan tulad ng San Miguel, Red Horse, at Ginebra and makikita, pati na rin mga dayuhang alak tulad ng Heineken, Jack Daniel’s, at Cuervo. Marami ring Pilipino ang kumukunsumo ng mga ito.

Ayon kay Euromonitor (2014), ang mga Filipino ang ikatlong pinakamabigat uminom sa mundo, sunod sa South Korea at Russia. Sa tala nila, umiinom ng 5.4 na ‘shots’ ng alak ang regular na Filipino bawat linggo. Isang sarbey naman ng World Health Organization noong 2001 ang nagsabi na 11.1% ng populasyon ng Pilipinas ang regular na umiinom (4 na beses bawat linggo). At kahit 18 ang legal na edad para uminom, ang karaniwang kabataang Filipino ay umiinom na simula sa edad na 16 o 17 pa lang (Institute of Alcohol Studies, 2001).

At dahil maraming alak, at maraming iinom ng alak, mataas ang lebel ng kumpetensiya sa pagitan ng mga kumpanyang gumagawa nito. Halimbawa nito ang San Miguel Brewery Inc., ang pinakamalaking kumpanyang gumagawa ng ‘beer’ sa Pilipinas. Umabot ng P17.7 bilyong piso ang kita nila at nakabenta sila ng 202.6 milyong kahon ng ‘beer’ sa taong 2017(CNN Philippines, 2017). Ang Emperador naman, isa pang tanyag na gumagawa ng alak, ay nakabenta ng 28.7 milyong bote ng brandy at nakamit ang ika-apat na pinakamataas na benta ng brandy sa buong mundo (Forbes, 2018).

Isang paraan ng pakikipagsabayan at pag-aangat sa produktong binebenta ay ang paggamit ng mga ‘advertisement’. Sindami ng brand ng alak ang ‘advertisement’ na makikita or maririnig sa telebisyon, radyo, at mga pahayagan.

Sa isang pag-aaral na isinagawa ni Swahn et. al. noong 2013, napagtanto nila na ang mga ‘advertisement’ ng alak tulad ng makikita sa TV, ‘billboards’, at sa mga sinehan at sponsorships ng mga tanyag na personalidad ay importante na salik sa pagtaas ng paggamit at pag-inom ng alak sa Pilipinas lalo na sa kabataan. Kitang-kita ang alak sa media – mula sa ‘soap opera’, ‘comedy shows’,at ‘music video channels’, hanggang mga laro sa liga ng basketbol. Ipinapakita ng mga ‘advertisement’ na ito ang direktang koneksyon sa alak at pagiging masaya, matagumpay, pagkakaroon ng kakayahan, at pagiging atraktibo. Inilalarawan ng mga ito ang umiinom bilang magiting, kaakit-akit, malakas, o matagumpay.

download.jpg

Maraming problema sa mga ads na ito. Ilan na ring mga ad ng alak ang ipinatigil o ipinatanggal dahil sa kontrobersyal na laman nito. Isa na rito ang mga Va Va Vroom ads ng Colt 45 na ginagawang sekswal na bagay o premyo ang kababaihan.

img_0949.jpg

Kabilang din ang “Nakatikim ka na ba ng Kinse Años” ad ng Napoleon Brandy na nagdulot pa ng legal na kaso laban sa Destilleria Limtuaco Inc. at ang ‘ad agency’ nito, ang Singson Lascano Group (Spot.ph, 2012).

download (1).jpg

(https://www.youtube.com/watch?v=W3DzKktbJ74)

Hindi lang ang kontrobersyal na ad ang may problema. Halos lahat ng ad ng alak ay may naratibong binebenta tungkol sa produkto nila. Tulad ng ad ng Emperador Brandy ‘bunso’ na pinapakita si Coco Martin na naka suot ng ‘suit’ at umiikot sa isang party sa magarang bahay. Hindi man nito sabihin, inuugnay na nito sa utak natin ang tagumpay, magandang buhay, at pagkakaroon ng kaibigan.

download (2).jpg

https://www.youtube.com/watch?v=sgT_91Ex818

Isa pang halimbawa ang ad ng Red Horse na pinapakita ang isang lalaking tumitilapon pagkainom nito. Pagkatpos ay magtitinginan ng malaswa ang isang babae at ang lalaki habang isisgaw ang tagline ng ad na “Ito ang Tama”. Ang naratibo naman dito ay kapag uminom ka ng Red Horse ay tunay na lalaki ka at magiging atraktibo ka sa mga babae.

Mapag-kapwa ang mga Pilipino at dahil doon ay hindi natin nais uminom mag-isa. Madalas tuloy ay yinayaya o minsan nga ay pinupuwersa pa natin ang mga kaibigan, katrabaho, at iba pa na samahan tayo at uminom. “Paki-sama o! G (Game) ka ba mag-inom ngayong gabi? Makikisama ka ba ngayon? Huwag kang maging killjoy ah!”

Pakikisama. Ang kaugaliang ito ay malalim ang ugat at naiimpluwensiyahan kung paano tayo makipagkapwa sa iba. Madalas ay nagreresulta ito sa ‘peer pressure’ at pagbigay-daan ng indibidwal sa mga kagustuhan ng grupo. Ang hindi pagsunod o hindi pakikisama ay maaring maging dahilan upang ibukod ang indibidwal. Dahil dito, nakikisama na lamang ang indibidwal para hindi mahiwalay sa grupo.

Partikular ang tuon nito sa kabataan. Ang mga magkaka-edad o may similar na karanasan ay kadalasang napipilitang makisama sa mga ‘kapareha’ nila. At dahil dito, maaring maging negatibong katangian ang pakikisama na maaring ipaliban ang mga pagkakaibigan ant maging sanhi ng masamang asal at gawain. Delikado ito, lalo na sa kaso ng pag-inom sapagkat naibenta na sa kabataan ang kabutihan at benepisyo ng pag-inom ng alak. Maaring magdulot ito ng maling gawain at malagay sa delikadong sitwasyon ang kalusugan o buhay ng kabataan para lamang makisama o maging ‘cool’.

Kapag tinanong ka ng “Inuman, G?” hindi lang ito tanong kung handa ka o kung gusto mo uminom ng alak. Dahil sa kultura at sa media, nagiging tanong na rin ito kung gusto mo maging matagumpay, atraktibo, malakas, at lalo na kung isa kang taong marunong makisama. Dapat makita natin na binebentahan lamang tayo pekeng naratibo ng mga kumpanyang ito upang maapektuhan ang ating konsumerismo

Sanggunian:

Click to access philippines.pdf

https://news.abs-cbn.com/lifestyle/08/05/10/cristine-reyes-beer-ad-pulled-out

http://www.ias.org.uk/What-we-do/Publication-archive/The-Globe/Issue-4-2001-amp-3-2001/Alcohol-and-media-The-situation-in-the-Philippines.aspx

http://cnnphilippines.com/business/2017/03/13/San-Miguel-Brewery-profits-up-31.html

https://www.forbes.com/sites/joemicallef/2018/07/11/the-international-spirits-market-is-remarkably-local/#5b9b90ef651d

https://www.philstar.com/breaking-news/2014/02/06/1286936/infographic-filipinos-3rd-heaviest-drinkers-world

https://bmcpublichealth.biomedcentral.com/track/pdf/10.1186/1471-2458-13-1159

http://www.ias.org.uk/What-we-do/Publication-archive/The-Globe/Issue-4-2001-amp-3-2001/Alcohol-and-media-The-situation-in-the-Philippines.aspx